DOH, hinikayat ang publiko na magpabakuna rin laban sa iba’t ibang uri ng sakit

Ilulunsad ng pamahalaan ang libreng bakuna laban sa iba’t ibang uri ng sakit sa susunod linggo.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, gagawin ito sa isang linggong pagdiriwang ng World Immunization Week mula Abril 24 hanggang 30.

Aniya, dapat magpaturok na laban sa mga vaccine preventable diseases o mga sakit na nakakamatay pero maaari namang iwasan kapag nabakunahan.


Para sa mga school-age children at mga adolescent, bibigyan sila ng bakuna laban sa measles; rubella; tetanus at Human Papillomavirus Vaccine para maiwasan ang cervical cancer sa mga kababaihan.

Sa mga buntis naman, binibigyan sila ng bakuna para sa tetanus diphtheria habang sa mga senior citizens naman, tuturukan sila ng anti-pneumonia at inactivated influenza vaccine.

Paliwanag ni Duque ang mga bakuna ay paulit-ulit na sinusuri at nagpapakita na ligtas at epektibo.

Facebook Comments