Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na magsuot ng face masks kahit nasa loob ng bahay.
Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea De Guzman, mahalagang nakasuot ng face mask sa loob ng bahay ang mga senior citizens at mayroong karamdaman.
Sabi naman ng Emergency Medicine Specialist na si Dr. Pauline Convocar na presidente ng Philippine College of Emergency Medicine, nagkakaroon ng case clustering ng COVID-19 sa loob ng mga bahay.
Aniya, napansin nila ito dahil kung dati ay indibiduwal lamang ang kumokonsulta pero ngayon ay maraming pamilya ang nagtutungo sa mga ospital o klinika para sa consultation.
Umaapela ang DOH sa publiko na patuloy na sundin ang public health standards.
Facebook Comments