DOH, hinikayat ang publiko na magsuot pa rin ng face mask

Sa budget briefing sa Kamara ay hinikyat ng Department of Health (DOH) ang publiko na magsuot pa rin ng face mask lalo na ang mga nabibilang sa vulnerable sector at high-risk settings.

Sinabi ito ni DOH OIC Ma. Rosario Vergeire ngayong opsyonal na ang pagsusuot ng face mask sa outdoor areas partikular sa “low-risk individuals at low-risk settings.”

Ayon kay Vergeire, ang naunang posisyon ng DOH ay ituloy ang pagsusuot ng face mask sa outdoor settings lalo na sa vulnerable sector gaya ng mga senior citizen, may comorbidity o sakit, at mga bata.


Tinukoy rin ni Vergeire ang pangangailangan na magsuot pa rin ng face mask sa mga pampublikong transportasyon at sa mga “crowded” o lugar na maraming tao.

Facebook Comments