Hinikayat ni Senator Richard Gordon ang Department of Health na gamitin ang saliva tests sa COVID-19 testings sa iba pang bahagi ng bansa.
Ito ay upang mas mabilis na matukoy ang mga kaso ng COVID-19 lalo na’t maraming lalawigan ang nakakaranas ngayon ng surge ng mga kaso.
Sa interview ng programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni GORDON na bagama’t pinag-aaralan na ngayon ang paggamit ng homemade antigen test kits ay di hamak na mas mura ang saliva tests.
Ayon kay Gordon, kasing accurate din naman nito ang RT-PCR swab tests at hindi gaya ng antigen tests na nagkakaroon pa minsan ng false positives.
Hanggang sa kasalukuyan, nasa higit limang milyong COVID-19 tests na ang naisagawa ng PRC sa buong bansa.
Facebook Comments