Isinusulong ngayon ng Department of Health (DOH) ang pagpasa sa mga panukala na makakatulong sa pagtugon ng bansa sa mga public health emergencies.
Partikular na tinukoy ni DOH Officer-in-Charge (OIC) Maria Rosario Vergeire ay ang Pandemic Protection Act of 2021; Pandemic and All Hazards Preparedness Act; Philippine Health Security Act ay pag-amyenda sa Government Procurement Reform Act at Cheaper Medicines Act.
Ayon kay Vergeire, makakatulong ang mga naturang panukala upang maging handa ang bansa sakaling may umiiral na pandemya o state of public health emergency sa bansa at mapataas ang kapasidad ng mga health-care facilities tuwing may mga ganung pagkakataon.
Layon din nitong magbuo ng medical reserve corps na binubuo ng mga medical experts, scientists, lisensyadong medical practitioners at volunteers na sinadya para sa health emergencies.
Ang pag-amyenda naman sa ilang batas ay magmamandato sa mga procurement entities na bumili ng mga kagamitan na locally produced na siyang pasok sa itinakdang standards ng pamahalaan.
Sa ngayon, sinabi ni House health committee chairperson Ciriaco Gato na tatlong priority bills ang nakabatay sa legislative agenda ni Pangulong Bongbong Marcos at ito ay ang pagbuo ng viology insititute, medical reserve corps at center for disease control.