Hinimok ng Department of Health (DOH) ang Local Government Units (LGU) na mahigpit na ipatupad ang minimum public health standards lalo na at maraming pamilya ang bibisita sa iba’t ibang Christmas attractions ngayong holiday season.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang kabiguang pagsunod sa health protocols ay maaaring magresulta ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Nilinaw rin ni Vergeire na hindi nila ipinagbabawal ang paggamit ng pito at paputok sa New Year’s celebration pero hindi nila inirerekomenda na gamitin ito na pampaingay dahil mabilis kakalat ang virus gamit ito.
Facebook Comments