DOH, hinimok ang mga LGU na bumuo ng guidelines para sa community pantries

Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga Local Government Unit (LGU) na bumuo ng guidelines para sa community pantries para matiyak na nasusunod ang health at safety protocols.

Bagama’t hindi required ang mga organizer na kumuha ng permit sa pagsasagawa ng humanitarian activity, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na dapat pa ring napapanatili ang minimum health standards.

Batid din ni Vergeire na malaki ang naiaambag ng mga community pantry sa pagtulong sa mga taong nangangailangan ngayong krisis.


Hindi pinagbabawalan ang mga ganitong inisyatibo dahil nakakatulong ito sa mga naghihikahos pero dapat pa rin samahan ito ng ibayong pag-iingat.

Facebook Comments