DOH, hinimok ang mga LGU na magtayo ng karagdagang vaccination sites

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga Local Government Unit (LGU) na dagdagan ang kanlang vaccination sites para mas maraming tao ang mabakunahan laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, layunin nitong mapabilis ang pagbabakuna at mas maraming tao ang maprotektahan laban sa COVID-19.

Ang mga non-healthcare workers ay dapat italaga sa screening at counseling areas, para ang mga nurses, doctors, pharmacists, midwives ang magsasagawa ng aktwal na pagbabakuna.


Sa datos ng DOH at National Task Force (NTF), 100% ng available vaccine doses ang naipamahagi na may kabuoang 3,025,600.

Nasa 1,562,563 doses ang nagamit.

Facebook Comments