DOH, hinimok ang mga magulang na ilayo ang mga anak sa paputok

Manila, Philippines – Umapela ang Department of Health o DOH sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak laban sa paggamit ng paputok.

Ito ay matapos maputulan ng daliri ang isang bata mula sa Nueva Ecija nang masabugan ng 5 star.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, tungkulin ng mga magulang na tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga anak.


Aniya, dapat ugaliin ng mga magulang na paalalahanan ang kanilang mga anak sa mga posibleng epekto ng paggamit ng paputok.

Imbes na magpaputok sa labas ng bahay sabi ni Duque, na mas mainam na manood na lang ng mga community fireworks display.

Facebook Comments