DOH, hinimok ang mga ospital na palakasin ang kapasidad laban sa COVID-19

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang iba’t ibang ospital na maglaan ng karagdagang kama para sa mga pasyente ng COVID-19 lalo na at nakikitang tumataas muli ang mga bagong kaso.

Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, magbigay dapat ang mga ospital ng 20-porsyentong alokasyon ng kanilang hospital beds para sa COVID patients dahil sa surge ng mga kaso.

Ang pagtaas ng mga kaso ay nakakaalarma dahil tila nauulit muli ang nangyari noong August 2020.


Nakiusap din si Vega sa mga local government units na magpatupad ng localized lockdown kung nagkakaroon ng clustering ng mga kaso sa isang lugar.

Sa pagpapatupad ng localized lockdown at pagsunod sa public health standards, naniniwala si Vega na mapapababa ang viral transmission.

Hindi rin inaalis ng DOH ang posilibilidad na mangyari ang projection ng OCTA Research Group na pumalo sa 6,000 cases kada araw ang maitala sa katapusan ng Marso kung walang gagawin para dito.

Facebook Comments