Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na isumbong ang illegal medical facilities na nag-ooperate sa bansa kasabay ng pagkakadiskubre ng mga underground clinics para sa mga Chinese nationals.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mahalagang ipagbigay-alam sa mga kinauukulan ang mga hindi lisensyadong pasilidad dahil mas malalagay sa panganib ang kalusugan ng lahat.
Pinayuhan din ni Vergeire na sumadya sa mga lehitimong medical facilities para matiyak na nakakatanggap sila ng ligtas na healthcare services.
Tiniyak ng DOH na nakikipagtulungan sila sa mga awtoridad hinggil dito.
Matatandaang nabisto ng mga awtoridad ang hindi rehistradong medical facilities na pinapatakbo ng dalawang Chinese nationals sa Clark, Pampanga, maging sa Makati at Parañaque City.