Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag-adapt sa ‘new normal’ para malabanan ang COVID-19 pandemic.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, lahat ay nakakaranas ng pandemic fatigue at quarantine fatigue.
Iginiit ni Vergeire na hindi na maaaring bumalik sa dati bago ang pandemya.
Ang pagsunod sa minimum health standards ay isang ‘sakripisyo’ na layong makatulong sa lahat na maprotektahan nila ang kanilang mga sarili mula sa banta ng COVID-19.
Makatutulong aniya ito para mapigilan ang pagkalat ng virus lalo na at unti-unting binubuksan ng gobyerno ang ekonomiya.
Sa depinisyon ng World Health Organization (WHO), ang ‘pandemic fatigue’ ay nararamdaman ng mga tao na tila sila ay less motivated at walang gana.
Facebook Comments