Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na magtungo lamang sa mga official vaccination sites.
Ito ang sinabi ng DOH kasunod ng mga ulat na may ilang indibidwal ang nagsasagawa ng private immunization efforts.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang official vaccination sites lamang ang mga nabigyan ng accreditation at nainspeksyon ng pamahalaan.
Layunin din aniya ito na matiyak na ang mga ituturok sa kanilang bakuna ay lehitimo, epektibo at ligtas.
Ang mga hindi awtorisadong pagbabakuna ay posibleng maging problema sa pagbabantay ng bilang ng mga nabakunahan.
Sa ngayon, aabot sa 3,415 vaccination sites ang nagsasagawa ng COVID-19 vaccination mula sa iba’t ibang sites sa 17 rehiyon.
Facebook Comments