DOH, hinimok ang publiko na magsuot ng mask sa loob ng bahay kung may mga kasamang senior citizens at may sakit

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na magsuot ng face mask kahit nasa loob ng kanilang mga bahay kung may mga kasamang matatanda at mayroong karamdaman.

Ito ang pahayag ng DOH kasunod ng komento ni Interior Secretary Eduardo Año na tumataas ang COVID-19 transmission sa mga miyembro ng pamilya.

Ang mga hinihikayat na magsuot ng face mask sa loob ng kanilang mga bahay ay ang mga indibidwal na nagpapakita ng COVID-19 symptoms at ang vulnerable members ng population tulad ng mga matatanda at immunocompromised.


Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang pagsusuot ng face shield kasama ang face mask ay hindi mandatory pero hinihikayat nila na gawin ito.

Sa ngayon, nire-require na ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong transportasyon.

Facebook Comments