DOH HINIMOK ANG PUBLIKO NA SUNDIN PA RIN ANG MGA MINIMUM PUBLIC HEALTH STANDARDS SA KABILA NG MABAGAL NA PAGTATALA NG COVID-19

Hinimok ng Department of Health Center for Health Development sa Ilocos Region (DOH-CHD-1) nitong Miyerkules ang publiko na ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum health protocols kahit na hindi na itinuturing na global pandemic ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) dahil sa minimal na pagtaas lamang sa positivity rate sa rehiyon.
Sa virtual press conference, sinabi ng DOH-CHD-1 medical officer na si Dr. Rheuel Bobis noong Mayo 9, tumaas ang positivity rate sa rehiyon sa 12.8 percent, mas mataas sa 5 percent standard.
Aniya, mayroong 271 active cases sa rehiyon as of May 9. Sa kabuuang bilang, 79 ang nasa Pangasinan, 41 sa Dagupan City (chartered city of Pangasinan), 99 sa La Union, 34 sa Ilocos Sur, at 18 sa Ilocos Norte.
Sinabi ni Bobis na kailangan ng agarang aksyon para mapababa ang positivity rate sa standard na 5 percent mula sa kasalukuyang 12.8 percent.
Inulit niya ang kahalagahan ng booster shots upang mapataas ang proteksyon laban sa Covid-19 at pagpapatupad ng mga minimum public health standards.
Dagdag pa niya, inirerekomenda pa rin nila ang physical distancing at ang pag-isolate sa mga indibidwal na nakakaranas ng sintomas ng COVID-19, bukod sa pagsusuot ng face mask at pagpapakuha ng booster shot ng bakuna.
Samantala, sa kabila ng pagtaas ng bilang ng mga natukoy na kaso, na 82 porsiyentong mas mataas kaysa sa mga nakaraang linggo, nilinaw ni Bobis na ang pinakahuling bilang ay hindi nakaapekto sa utilization rate ng mga ospital o healthcare facility.
Ang non-intensive care unit (ICU) bed utilization rate ay nasa siyam na porsyento at ang ICU bed utilization ay nasa 16 na porsyento noong Mayo 8.
Humigit-kumulang 3.8 milyong residente sa rehiyon ang ganap nang nabakunahan laban sa sakit, na may 1.5 milyon na ang nakakuha ng unang booster shot.
Samantala, 453,601 o 90 porsyento ng target na populasyon ng mga senior citizen o matatanda ang na-inoculate na sa ngayon.
Facebook Comments