DOH, hinimok na aprubahan ang panukalang ₱1.16-B supplemental budget para sa mga naturukan ng Dengvaxia

Manila, Philippines – Hinimok ng Department of Health (DOH) ang Senado na aprubahan na ang bersyon nito ng panukalang batas na maglalaan ng ₱1.16 billion supplemental budget para sa mga batang naturukan ng Dengvaxia vaccine.

Nabatid na lusot sa ikatlo’t pinal na pagbasa ang panukala sa Kamara habang nakabinbin pa ito sa Senado.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang pondo ay gagamitin para tulungan ang mga batang nabakunahan ng anti-dengue vaccine.


Higit ₱900 million ay ilalaan sa medical assistance program partikular sa pagpapagamot, outpatient man o naka-confine sa ospital.

Ang halos ₱150 million ay gagamitin para sa assessment at monitoring ng Dengvaxia vaccines.

Facebook Comments