DOH, hinimok na i-deploy ang ilang COVID-19 vaccines sa mga lugar na may mataas na pag-aalinlangan sa bakuna

Hinimok ni BHW Party-list Rep. Angelica Natasha Co ang Department of Health (DOH) na i-deploy o ipamahagi ang ilang mga COVID-19 vaccines sa mga lugar na mayroong mataas na pagaalinlangan na magpabakuna.

Sa nakaraang survey ng OCTA Research Group, 25% lang ng mga Pilipino ang handang magpabakuna laban sa coronavirus disease.

Ayon kay Co, ang mga takot sa COVID-19 vaccine ay wala namang sapat na batayan o hindi pa napapatunayan.


Bunsod nito ay umaapela ang kongresista sa DOH na i-deploy ang mga COVID-19 vaccines sa mga lugar na may mataas na bilang ng mga indibidwal na nagaalinlangang magpaturok ng bakuna.

Ito ay upang maipakita sa publiko na epektibo ang mga vaccines sa mga tunay na sitwasyon tulad ng pandemya.

Mahalaga aniyang mapalawak ang tiwala ng publiko sa bakuna upang maging matagumpay ang national vaccination program.

Kahapon ay dumating na sa bansa ang 600,000 doses ng COVID-19 vaccines ng Sinovac BioNtech habang ngayong linggo naman inaasahang darating ang 525,600 doses ng British AstraZeneca COVID-19 vaccines.

Facebook Comments