Hinimok ni Senadora Risa Hontiveros ang Department of Health (DOH) na maging tapat, consistent, at tiyaking kumpleto ang datos ng COVID-19 situation sa bansa.
Kasunod ito ng pahayag ni DOH Secretary Francisco Duque III na nasa second wave na ang bansa sa COVID-19 at nag-flatten na o napigil na ang pagtaas ng COVID cases.
Giit ng senadora, mahalagang maging tapat ang DOH dahil sa kanila ng datos nakasalalay ang mga aksyon ng gobyerno gaya na lamang ng pagpapatupad ng community quarantine at paglalaan ng budget sa pagsugpo sa virus.
Aniya, kung panininidigan ng DOH ang kanilang pahayag, baka mag-relax ang lockdown na maaaring magdulot ng pagtaas muli ng kaso ng COVID-19.
Facebook Comments