Nasa ₱3.6 billion na karagdagang pondo ang hinihingi ngayon ng Department of Health (DOH) para sa Special Risk Allowance (SRA) ng mga healthcare worker.
Ito ay kasunod ng banta ng ilang grupo ng healthcare workers na mass resignation dahil sa kakulangan ng suporta na natatanggap mula sa pamahalaan.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naisumite na nila ito sa Department of Budget and Management at hinihintay na lamang nila ang tugon.
Gagamitin aniya ang karagdagang pondo para sa healthcare workers na nagbigay ng kanilang requirements pagkatapos nitong Hunyo 30.
Matatandaang ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DOH na madaliin na ang pagbabayad ng allowance at iba pang benepisyo sa ating healthcare workers.
Facebook Comments