DOH, humiling ng paglilinaw sa DOJ kaugnay sa Special Risk Allowance ng health workers

Naghihintay pa rin ng tugon ang Department of Health (DOH) sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa ibibigay na Special Risk Allowance (SRA) sa mga health workers.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kailangang linawin kung magkano at sino dapat ang mga health workers na makakatanggap ng SRA.

Maliban sa DOJ, kausap na rin ni Duque na maging ang Commission on Audit (COA) kaugnay sa ibibigay na tulong-pinansiyal.


Ito ay dahil sa nauna nang kinuwestiyon ng COA ang pagbibigay ng allowance sa health workers.

Matatandaang sa ilalim ng batas, tanging ang mga health care workers na nag-aalaga lamang ng mga pasyenteng may COVID-19 ang kuwalipikadong mabigyan ng SRA.

Facebook Comments