DOH, humingi ng paumanhin sa mga mali sa kanilang daily report

Humingi ng paumanhin ang Department of Health (DOH) sa mga mali sa kanilang daily situationer report.

Ito ay matapos mapuna ng mga netizens ang maling bar graph.

Sa statement ng kagawaran sa kanilang Facebook page, nagpapasalamat sila sa mga nakapansin nito.


Pagtitiyak ng DOH na sisikapin nilang pagbutihin ang quality at accuracy ng kanilang materyales.

Binigyang diin ng DOH na ang kanilang mga datos ay nakadepende sa mga report na isinusumite ng mga healthcare facilities at Local Government Units (LGU).

Facebook Comments