DOH, humingi ng paumanhin sa naging kalituhan sa sinasabing pagsibak sa RITM director

Humingi ng dispensa sa publiko ang Department of Health (DOH) sa idinulot nitong kalituhan sa napaulat na pagsibak kay Dr. Celia Carlos, Director ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Ayon sa DOH, nanatiling Director ng RITM si Dr. Carlos.

Sinabi ng DOH na Isinailalim lamang sa ngayon sa superbisyon ni Assistant Secretary Nestor Santiago mula sa Public Health Services Team ang RITM para mas mabigyan ng panahon si Dr. Carlos sa kanyang technical expertise.


Sesentro naman ang trabaho ni Assistant Secretary Santiago sa management para sa expansion o pagpapalawak pa ng testing capacity sa mga public at private laboratories sa bansa at pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensiya ng gobyerno.

Una nang umani ng pagbatikos mula sa publiko ang sinasabing pagsibak kay Dr. Carlos matapos daw nitong tanggihang iprioritize o unahing iproseso sa mga pulitiko at VIPs na nais sumailalim sa COVID-19

Facebook Comments