DOH, humingi ng tulong sa NBI para mahanap ang isang residente sa Cebu na nagpositibo sa UK variant

Humingi na ng tulong ang Department of Health (DOH) sa National Bureau of Investigation (NBI) para matunton ang 35-anyos na residente ng Liloan, Cebu na nagpositibo sa UK variant ng Coronavirus.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagpatulong sila sa NBI para makumpirma kung nakalabas na ng bansa ang pasyente.

Habang bineberipika pa ang exposure at travel history ng pasyente.


“We have sought the help already of the National Bureau of Investigation para mas matunton po natin kung talagang wala na sa ating bansa itong individual na ito, and also the manifest from the airlines kung saan nagsabi sila ng specific na paglabas na date of exit nitong tao from Liloan, Cebu,” ani Vergeire.

Kasabay nito, nilinaw ng DOH-Central Visayas na ang home address ng pasyente ay sa Liloan pero mula Nobyembre 2020 ay sa Parañaque ito nanirahan.

Sumailalim ito sa swab test noong Enero bilang requirement sa trabaho abroad at hindi pa siya umuuwi sa Cebu.

Facebook Comments