DOH, humingi ng tulong sa PCOO kaugnay sa immunization program ng pamahalaan at Dengvaxia

Manila, Philippines – Humingi na ng tulong si Health Secretary Francisco Duque III kay Communications Secretary Martin Andanar sa pagpapalakas ng information campaign para sa immunization programs ng Pamahalaan at maging sa issue ng Dengvaxia.

Ito naman ay sa harap ng atas ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Secretary Duque na doblehin ang kanilang efforts para sa kampanya ng pamahalaan sa immunization program ng Pamahalaan.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, nais ni Duque na tumulong na ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa pagpapaalam sa publiko na walang kinalaman ang Dengvaxia sa pagkamatay ng maraming bata na kinokontra naman ng kampo ni Public Attorney’s Office Chief Percida Acosta.


Sinabi ni Panelo na batay sa impormasyong sinabi ni Duque batay sa kanilang pagaaral ay hindi ang pagkakaturok ng Dengvaxia ang dahilan ng pagkamatay ng mga bata kundi pneumonia, heart decease at tuberculosis.

Sinabi din aniya ni Pangulong Duterte na mahabang usapin ito dahil ito ay magiging laban ng mga eksperto na magkakontra sa paniniwala.

Facebook Comments