DOH, humingi sa publiko ng dagdag na pasensya habang naghihintay ng bakuna

Nakiusap ang Department of Health (DOH) sa publiko na habaan pa ang pasensya habang naghihintay na mabakunahan laban sa COVID-19.

Batid ni Dr. Alethea de Guzman ng DOH Epidemiology Bureau na hindi pa rin dapat magpakampante ang publiko at sundin pa rin ang health protocols lalo na at maraming tao ang naghihintay para sa bakuna.

Iniulat din ni De Guzman na bumababa na ang kaso sa NCR Plus pero nagkakaroon ng upward trend ng kaso sa Visayas at Mindanao.


Hinihikayat ng DOH ang mga local government units (LGUs) na ipatupad ang granular lockdowns sa kanilang nasasakupan sakaling tumaas ang kaso.

Ang anumang pagtaas ng kaso bunsod ng pagluluwag ng restrictions ay maaaring makontra kung naipapatupad lamang ang protocols at guidelines.

Facebook Comments