DOH, idineklara ang 68% reduction sa firecracker related incident mula Dec. 21 – Jan. 1, 2019

Manila, Philippines – Idineklara ng Department of Health (DOH) ang 68% na pagbaba sa ng firecracker related injuries mula December 21 hanggang January 1, 2019.

Sa isang press conference sa East Avenue Medical Center sa Quezon City, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na nakapagtala sila ng 139 na kaso ng firecracker injuries na mas mababa kung ihahambing sa 428 cases na naitala sa nabanggit na panahon noong pagpasok ng 2018.

Ito na aniya ang limang magkasunod na taon na pagbaba ng mga kaso ng napuputukan.


Karamihan sa mga firecracker injuries ay naitala sa National Capital Region (NCR) na may 53 cases, sinusundan ito ng Western Visayas na may 26 cases, Central Visayas-13, habang parehong nakapagtala ng sampung kaso ang Central Luzon at CALABARZON.

81% sa mga nasugatan ay mga lalaki na ang edad ay mula dalawang taon hanggang 69 years old.

Nasa 102 ang mga nagtamo ng malubhang paso, anim ang nangangailangan ng amputation at 36 na eye injury.

Nangunguna ang kwitis sa dahilan ng mga firecrackers injuries na may 30 cases.

Sinusundan ito ng boga na may 16 cases, piccolo 15 cases, luces 8 cases, five star at triangle 7 cases.

Inaasahan na ng DOH ang “downward trend” ng mga injuries dahil sa epekto ng Executive Order no. 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte na naghigpit sa paggamit ng firecrackers kapalit ng pagtatalaga na lamang ng fireworks zone.

Facebook Comments