DOH, idinepensa ang ipinatutupad na mas mahigpit na quarantine status

Iginiit ng Department of Health (DOH) na ang pagpapatigil sa paglobo ng bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 ang dahilan ng muling pagsasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region o ‘NCR Plus’ bubble at karatig lalawigan.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kung hindi magpapatupad ng mas mahigpit na quarantine status, pinangangambahang pumalo sa 430,000 ang aktibong kaso ng virus sa katapusan ng Abril.

Aniya, ang mga lugar na kabilang sa “NCR Plus” bubble ay nasa high to critical risk base sa two week growth rate ng virus.


Paliwanag pa ni Vergeire, ang pagpapatupad ng ECQ ay paraan para mapababa ang naitatalang kaso ng COVID-19; mapigil ang pagkalat ng iba’t ibang variants; maprotektahan ang mas nakararami pang buhay at para rin makarekober ang healthcare system ng bansa.

Facebook Comments