DOH, iginagalang ang pagbabago ng posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa medical marijuana

Inirerespeto ng Department Of Health (DOH) ang pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa suporta nito sa isinusulong na pagsasalegal ng medical marijuana sa bansa.

 

Ayon kay DOH Sec. Francisco Duque III, baka may nakitang butas ang pangulo sa medical marijuana bill.

 

Posible rin aniya na may bagong kaalaman ang pangulo sa epekto ng paggamit ng medical marijuana kaya nagbago ang kanyang posisyon.


 

Dagdag pa ni Duque, dapat munang magkaroon ng sariling pag-aaral ang gobyerno hinggil sa paggamit ng medical marijuana.

 

Nito lang Enero nang aprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang house bill 6517 o Philippine Compassionate Medical Cannabis Act.

 

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa campaign rally ng pdp-laban sa Negros Occidental noong biyernes, sinabi nito na hindi pa napapanahon ang paggamit ng marijuana bilang gamot.

Facebook Comments