DOH, iginiit ang masamang epekto ng paggamit ng E-Cigarretes

Muling nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga gumagamit ng E-Cigarette.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, bagaman mas kakaunting nakalalasong kemikal ang nasa E-Cigarette ay maaari pa ring itong makasama sa kalusugan ng mga gumagamit nito at sa mga nakakalanghap ng usok mula sa Vape.

Mas mabuti aniya na habang maaga pa ay itigil na ang paggamit ng mga ganitong uri ng heated-tobacco products, maging ang aktwal na paghithit ng sigarilyo para hindi na maisa-alang-alang pa ang kalusugan.


Sa tala ng US Center for Disease Control and Prevention, nakapagtala sila ng halos 1,300 kaso ng Vape-related illnesses sa estados unidos kung saan 26 sa kanila ay namatay.

Facebook Comments