Iginiit ng Dept. of Health (DOH) na dapat maipatupad ng Maximum Drug Retail Price (MDRP) sa mga piling gamot.
Ito’y sa gitna ng alok ng Pharmaceutical Healthcare Association of the Philippines o PHAP babawasan nila ng 75% ang presyo ng 155 gamot para sa 36 na sakit.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, ang imposition ng MDRP sa halos 120 gamot ay mahalaga.
Aniya, hindi magagarantiya ng PHAP ang price reduction lalo na sa drug stores, drug retailers, at private hospital.
Pero sa kabila nito, bukas ang DOH sa alok ng PHAP.
Facebook Comments