DOH, iginiit na fragile pa rin ang pandemic situation sa bansa kahit nakikitaan ng ‘flat’ trend

Nananatiling ‘very fragile’ ang pandemic situation sa Pilipinas kahit nagkakaroon na ng pagpatag ang bilang ng COVID-19 cases.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi pa rin ibaba ng publiko ang pag-iingat dahil patuloy pa ring kumakalat ang virus sa iba’t ibang panig ng mundo.

“Ang patuloy ding paglaganap ng mas nakakahawang variants sa ibang panig ng mundo ay mas nangangahulugan na dapat patuloy tayong lahat na nagiingat laban sa sakit na ito,” sabi ni Vergeire.


Binigyang diin ni Vergeire ang kahalagahan ng pagpapaigting ng border protocols para mapigilan ang pagpasok ng mas nakakahawang variants.

Importante rin ang kooperasyon ng bawat sektor ng komunidad.

Facebook Comments