Nagbabala si Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire sa publiko laban sa mga posibleng testing kits na ibinebenta sa merkado.
Pagbibigay diin ni Vergeire, wala pang testing kits na available ngayon sa bansa.
Sa lagging handa public briefing, sinabi ni Vergeire na sakaling may mga nakikitang testing kits na ibinibenta kung saan saan, hindi aniya ito aprubado ng food and drugs administration.
Paglilinaw ni vergeire, ginagawa pa lamang ngayon ng mga health experts sa bansa ang testing kits.
Sa mga susunod aniyang linggo ay maaaring makapagpalabas na sila ng kailangang requirements para maaprubahan at makapag mass productions na sila ng testing kits.
Una nang sinabi ni FDA Chief Eric Domingo na ang coronavirus detection kits na dinevelop ng mga UP scientists ay sasailalim pa sa serye ng field testing