DOH, iginiit na hindi dapat sisihin ang mga LSI sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga probinsya

Hindi dapat sisihin ang mga umuuwing Locally Stranded Individuals (LSIs) sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga probinsya.

Ito ang iginiit ng Department of Health (DOH) kasunod ng panawagan ng ilang lokal na pamahalaan na ihinto ang pagpapauwi sa mga LSI.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maraming dahilan kung bakit tumataas ang kaso ng COVID-19 sa isang lugar.


Aniya, mahalagang makamit ng mga LSI ang ilang requirements bago sila payagang makauwi sa kanilang mga probinsya.

Dapat ding makumpleto ng mga LSI ang 14-day quarantine period habang ang mga nagkaroon ng COVID-19 ay kailangan munang magpagaling at wala nang nakikitang sintomas bago ideklarang ‘cleared.’

Nabatid na tinukoy ng DOH ang Cebu City, Cebu Province, Ormoc City, Southern Leyte, Leyte, at Samar bilang “emerging hotspots” ng COVID-19.

Facebook Comments