Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na hindi ibinebenta ang mga bakuna laban sa COVID-19.
Kasunod ito ng pagkakaaresto ng tatlong indibidwal kabilang ang isang nurse ng isang district hospital sa lungsod ng Maynila na nagbebenta ng Sinovac vaccine sa halagang P1 milyon.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ikinalungkot nila ang pangyayari na may mga taong sinasamantala ang pagkakataon.
Aniya, libreng ibinibigay ang bakuna sa mga karapat-dapat at hindi ibinebenta.
Hinimok naman ni Vergeire ang publiko na tangkilikin lamang ang bakuna sa pamamagitan ng programa ng gobyerno.
Facebook Comments