Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang nangyaring double payments sa pagbili ng Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM) sa mga Personal Protective Equipment (PPE) noong 2020.
Ito ay matapos lumabas sa pagdinig ng ng Senado na overprice ang nabiling medical supplies ng PS-DBM.
Ayon sa DOH, kinailangan nilang bumili ng full sets ng PPE at mag-order ng hiwalay na face masks at face shields para sa proteksyon ng mga healthcare worker para sa high at low-risk settings.
Pero natagalan anila ang pagdating ng inorder na PPE sets habang ang nabiling face mask at face shields ay mula sa virtual store ng DBM.
Una nang pinaliwanag ng PS-DBM na mayroon silang dalawang uri ng procurement – una ay gamit ang sariling pondo at ikalawa ay gamit ang sarili nilang “store” na ibinebenta sa ibang ahensya.