DOH, iginiit na hindi pa nakakaranas ang NCR ng COVID-19 surge

Bagamat nakikitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 cases ang National Capital Region (NCR), nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pang sapat na ebidensya para sabihing nagkakaroon na ng surge ng infections.

Matatandaang iniulat ng OCTA Research Group na nakapagtala ang NCR ng halos 1,000 kaso kada araw habang ang reproduction number nito ay tumaas sa 1.33 mula sa 0.66 noong nakaraang buwan.

Kaya hinikayat ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na patuloy na sundin ang minimum health standards, at magpabakuna.


Hinimok din ni Vergeire ang mga local government units (LGUs) na higpitan ang pagpapatupad ng health protocols.

Sa datos ng Epidemiology Bureau, ang NCR ay nasa moderate risk na may average daily attack rate (ADAR) na 6 cases per 100,000 population.

Ang Makati, Las Piñas, Pasay, Pasig, Taguig, Parañaque, Manila, Valenzuela, Navotas, Marikina at Caloocan ay mayroong positive growth rates.

Mataas naman ang ADAR sa Makati, Las Piñas, at Pasay.

Pagdating naman sa healthcare capacity, mababa pa rin ang healthcare at intensive care utilization rate.

Facebook Comments