DOH, iginiit na lahat ng bansa ay vulnerable sa COVID-19 variants

Walang bansa sa mundo ang hindi vulnerable sa bantang dulot ng COVID-19 variants.

Ito ang tugon ng Department of Health (DOH) sa report ng JPMorgan na ang Pilipinas at apat pang ibang bansa ay “most vulnerable” sa COVID-19 Delta variant.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga bansang may matatag na ekonomiya ay hindi nakaligtas sa COVID-19 variants.


Aniya, walang pinipiling bansa ang mga variant kaya importanteng palakasin ang border controls para mapigilan ang pagpasok nito.

Sa huling datos ng DOH, aabot na sa 12,703,081 na Pilipino ang nabakunahan laban sa COVID-19.

Facebook Comments