DOH, iginiit na libre ang mga gamot para sa mga indibidwal na may tuberculosis

Libre at pinaglalaanan ng gobyerno ng pondo ang gamot kontra tuberculosis na ipinapamahagi sa mga barangay health center.

Ito ang iginiit ng ng Department of Health (DOH) sa panghihikayat sa mga Pilipinong may sintomas ng TB na sumailalim sa pagsusuri at magpagamot na rin.

Nabatid na base sa datos ng DOH, isa lamang mula sa limang may sintomas ng sakit ang nagpapasuri.


Ito’y sa kabila nang paglalaan ng gobyerno ng P3,000 na pondo kada Pilipino na may tuberculosis para sa kanilang gamot na makukuha ng libre sa health centers.

Sa datos pa ng DOH, hanggang noong June 30, 2020, nasa P1,233,956 ang kumpirmadong tinamaan ng TB sa Pilipinas.

Ang bansa rin ang may pinakamataas na kaso ng sakit sa buong Asya.

Sa March 24, gugunitain ang World Tuberculosis Day at ngayong taon ay target ng pamahalaan na mahanap at magamot ang nasa 2.5 milyong Pilipino na aktibong kaso ng TB.

Facebook Comments