DOH, iginiit na mapagkakatiwalaan pa rin ang kanilang mga datos sa COVID-19

Tiwala ang Department of Health (DOH) na reliable ang kanilang datos sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Kasunod ito ng “less than 1% overall data error” na naitatala kada-araw.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, hindi perpekto ang data ng DOH pero nominal percent lamang ang tinatawag na error kaya hindi ito dahilan para mawalan ng integridad ang data ng kagawaran at maging hindi kapani-paniwala.


Ang mga data aniya ay kinakalap at pinoproseso sa tulong ng kanilang expert partners.

Sabi pa ni Vergeire, hindi rin madali bumuo ng high quality system dahil inaabot ito ng buwan ng pagsusumikap.

Gayunman, kinakailangan aniyang i-improve o i-scale up ang sistema ng real time para matugunan ang pangangailangan habang may pandemiya.

Facebook Comments