DOH, iginiit na tanging Sinovac lamang ang pwedeng maglabas ng kanilang vaccine clinical trial data

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi awtorisado ang Food and Drug Administration (FDA) na maglabas ng clinical trial data ng Sinovac vaccine.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tanging ang Sinovac Biotech lamang ang pwedeng maglabas ng kanilang sariling datos hinggil sa kanilang COVID-19 vaccines.

“Ang ating regulatory authorities bounded sila na kailangan ang mga dokumentong sina-submit sa kanila ay hindi nila naishe-share kahit kailan. Manufacturers have that right. The Sinovac manufacturers ang may karapatan pong mag-publish o hindi mag-publish, nasa kanila po yung ball na iyan,” sabi ni Vergeire.


Bago inirekomenda ang paggamit ng Sinovac vaccine vsa medical frontliners, sinabi ni Vergeire na nagawang mapag-aralan ng local health experts ang unpublished clinical data ng Chinese vaccine.

Kaugnay nito, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, patuloy na nire-review ng Health Technology Assessment Council (HTAC) ang Sinovac vaccine.

“We belatedly received the trial data of Sinovac just last week and the FDA immediately submitted it to HTAC,” ani Duque.

Paglilinaw ni Duque na ang HTAC review ay hindi prerequisite sa paggamit ng initial doses ng Sinovac vaccines na donasyon ng China.

Facebook Comments