DOH, iginiit na wala dapat taglay na methanol ang mga lambanog

Iginiit ng Department of Health (DOH) na hindi dapat naglalaman ng methanol ang mga lambanog.

Ito ay matapos makitaan ng mataas na lebel ng methanol ang limang samples ng ‘killer lambanog’ na ikinamatay ng ilang residente sa Laguna at Quezon.

Ayon kay Health Spokesperson, Undersecretary Eric Domingo – ang methanol ay isang flammable substance na kayang sirain ang dugo at atay ng tao.


Kaya tingin ni Domingo – may pagkakamali ang mga lambanog manufacturers sa pagpoproseso ng inumin.

Posible rin aniya dinagdagan ang methanol content para tumaas ang alcohol content nito.

Isusumite na sa NBI at PNP ang resulta ng laboratory test.

Hindi rin muna papayagang magbenta ng lambanog na hindi rehistrado mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Maaaring irekomenda na tanggalan ng lisensya at permit-to-operate ang mga establishment na pinagmulan ng nakakalasong lambanog.

Sa ngayon, nasa 14 na lambanog  ang nakarehistro sa FDA.

Facebook Comments