Nananatili pa ring walang matibay na ebidensya na magpapatunay na epektibong gamot laban sa COVID-19 ang anti-parasitic drug na Ivermectin.
Una nang sinabi ng Merck, ang manufacturer ng Ivermectin na walang scientific basis na ang gamot ay isang potential therapeutic laban sa viral illness.
Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na wala pa ring supporting evidence para gamiting treatment o prophylaxis laban sa COVID-19 ang nasabing gamot.
Sa ngayon, nasa anim na ospital ang mayroong compassionate special permit (CSP) mula sa Food and Drug Administration (FDA) para gamitin ang Ivermectin sa mga COVID-19 patients.
Facebook Comments