DOH, iginiit na wala pang patunay na nakakahawa ang COVID-19 sa pamamagitan ng airborne transmission

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na kailangan pa ng mas malawak na pag-aaral para mapatunayang posible ang pagkahawa ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa pamamagitan ng hangin.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala pang sapat na ebidensiya ang mga lumabas na pag-aaral na nagkakaroon ng airborne transmission ang virus.

Giit ni Vergeire, nakakahawa lamang ito kapag may close contact ang isang tao sa pasyenteng positibo sa virus base na rin sa pahayag ng World Health Organization (WHO) at ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC).


Pero kasunod nito, ipinapayo pa rin ng ahensiya ang pagsusuot ng face masks dahil posibleng umabot sa layo na 6 feet ang respiratory droplets mula sa indibidwal na positibo sa COVID-19.

Facebook Comments