Walang sapat na batayan para sabihing nagdudulot ang COVID-19 ng pagkalagas ng buhok.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, walang pang pag-aaral na makapagsasabing ang COVID19 ay nagdudulot ng hair loss.
Pero may ibang factors na kailangang ikonsidera kung nalalagas ang buhok ng isang tao.
Kabilang na aniya rito ang stress at iba pang sakit.
Payo ni Vergeire, kailangang alagan ng mga tao ang kanilang mga sarili, hindi lang ang pisikal na aspeto kundi maging ang kanilang mental health.
Ang DOH ay wala pang naitatalang kaso ng pagkalagas ng buhok bunsod ng COVID-19 sa Pilipinas.
Facebook Comments