DOH, iginiit na walang ‘immunity passport’ para sa COVID-19

Muling iginiit ng Department of Health (DOH) na walang immunity passport para sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi pa rin dapat nagpapakampante ang publiko dahil ang mga dating nagpositibo sa virus at gumaling saka nagnegatibo ay maaari pa ring dapuan ng virus.

Iginiit din ni Vergeire na kahit nagnegatibo sa test ay hindi nangangahulugang ligtas na mula sa COVID-19 at sa susunod na test.


Kapag na-expose ang isang tao sa isang infected individual, kailangan niyang magpa-test.

Dagdag pa ni Vergeire, kahit may presensya na ng bakuna sa hinaharap, hindi pa rin ihinto ng publiko ang pagsunod sa minimum health standards.

Sa ngayon ang Pilipinas ay mayroong community transmission o pagkukumpol ng kaso sa ilang lugar sa bansa.

Facebook Comments