DOH, iimbestigahan na ang pagkakaiba ng resulta ng COVID-19 test sa mga private at public

Iniimbestigahan na ng Department of Health (DOH) ang insidente sa Pampanga na nagkaproblema sa pagpapalabas ng resulta ng kanilang Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 test.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sinisilip na nila ang mga mandato para masiguro na ang lahat ng mga laboratoryo ay naglalabas ng tamang resulta.

“Isang pasyente o dalawang pasyente na tinest [for COVID-19] sa isang laboratory at after two days, pinarepeat test nila at lumabas iba naman ang resulta. So ngayon, iniimbitahan tayo ng Sangguniang panlalawigan ng Pampanga para humarap sa kanila at maipaliwanag natin ang proseso,” – ani ni Vergeire.


Tiniyak naman ni Vergeire sa publiko na hindi nila papayagang makapag-operate ang mga laboratoryo ng walang kasiguraduhan sa quality control ng mga ito.

Kasabay nito, nagbabala si Vergeire sa pagpapalabas sa social media ng ilang pangalan ng mga sinasabing pasyenteng may COVID-19

Giit ni Vergeire, paglabag sa Data Privacy law ang pagpopost sa social media ng mga pangalan ng pasyente.

Dapat aniyang matigil ang stigma at diskriminasyon na dulot ng paglalabas ng mga pangalan ng COVID patients.

Facebook Comments