DOH, ikinabahala ang pagdagsa ng mga tao sa mga pampublikong lugar at pasyalan nitong weekend

Lubos na nababahala ang Department of Health (DOH) sa pagdagsa ng ating mga kababayan sa mga pasyalan kasama ang mga senior citizen, buntis at mga bata nitong mga nakalipas na araw.

Ito ay makaraang ibaba na sa Alert level 2 ang Metro Manila mula noong Nov. 5, 2021.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na dapat iwasan ang pagkukumpul-kumpulan dahil baka muling sumipa ang kaso ng COVID-19.


Ani Duque, walang puwang ang pagpapabaya dahil baka masayang lamang ang halos dalawang taon nating pagtitiis sa pakikipaglaban sa COVID-19.

Paalala nito, dapat mahigpit pa ring sundin ang health and safety protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield sa 3Cs activities o iyong mga lugar na close, crowded at hindi maiiwasan ang close contact gayundin ang social distancing.

Paliwanag ng kalihim, higit 95% ang ibinibigay na proteksyon sa isang indibidwal kapag nakasuot nang tama ang face mask, face shield, nagso-social distancing at nagpabakuna.

Facebook Comments