Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Department of Health (DOH) na maraming magulang na nahihikayat na mapabakunahan ang kanilang mga anak kontra tigdas.
Ito ay matapos bisitahin ng ahensya ang ilang ospital at health centers sa Metro Manila.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – senyales ito na muling bumabalik ang tiwala ng mga magulang sa immunization program ng ahensya.
Malayo aniya ito kumpara dati na halos walang pumupunta sa health centers para magpabakuna.
Umaasa ang DOH na patuloy ang pagtitiwala ng publiko sa kanilang vaccination program.
Facebook Comments