DOH, ikinatuwa na kasama na ang COVID-19 vaccine ng Moderna sa pinayagan ng WHO para sa emergency use

Ikinatuwa ng Department of Health na kasama na ngayon ang COVID-19 vaccine na gawa ng moderna sa listahan ng emergency use COVID-19 vaccines ng World Health Organization.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ibig sabihin nito ay madadagdagan ang mga bakunang pwedeng ipamigay ng COVAX facility sa mga kalahok na bansa.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay nagsumite na rin ang Moderna ng aplikasyon sa Pilipinas para sa Emergency Use Authorization (EUA).


Samantala, ang Moderna ang ika-limang COVID-19 vaccine na nasa listahan ng W.H.O bukod sa bakuna ng Pfizer/Biontech, Astrazeneca, Serum Institute of India at Janssen.

Facebook Comments