DOH, ikinokonsiderang mag-redeploy ng COVID-19 vaccine doses sa labas ng NCR

Ikinokonsidera ng Department of Health (DOH) ang pagre-redeploy ng ilang COVID-19 vaccine doses na nakalaan sa National Capital Region (NCR) patungo sa ibang rehiyon na “high risk”.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ngayong nasa low risk classification na ang NCR, bumababa na ang case transmission.

Aniya, maaaring magpadala ng bakunang orihinal na nakalaan sa NCR para sa ibang lugar na nakararanas ng pagtaas ng kaso.


Itinaas ng DOH ang alokasyon ng bakuna sa Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, SOCCSKSARGEN, Caraga, at Bangsamoro Region.

Facebook Comments